(UPDATE) GENERAL SANTOS CITY – Bubuo ng Special Investigation Task Group (SITG) ang PNP para imbestigahan ang pagpaslang kay Hyun Seong Hong, isang Korean business man, nasa hustong gulang na taga Barangay Labangal, GenSan.
Si Hong ay natagpuang wala nang buhay at tadtad ito ng mga gunshot wounds habang nasa loob ng kulay puting kotse.
Ayon kay P/Maj. Yol Hilado, hepe ng Lagao Police Station, wala pang lead kung sino ang mga responsable at blangko pa rin ang pulisya sa motibo sa pagpatay sa nasabing negosyante.
Nalaman ng otoridad na ang biktima ay isa American passport holder.
Noong Enero 2016 nang nahuli si Hong sa operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan nakumpiska mula sa kanya ang hinihinalang shabu at drug paraphernalia.
Overstaying na rin si Hong sa bansa kayat nahaharap sa kaso.
Matatandaang tinangkang sunugin ang bangkay ng biktima matapos na sinilaban ang kotse nito ngunit ang driver seat lamang ang nasunog at hindi na lumaki ang apoy.