May ginagawa ng hakbang ngayon ang Pambansang Pulisya para tugunan ang problema sa riding-in-tandem at mga gun for hire criminals.
Ang plano ng PNP ay kasunod ng serye ng mga patayan na kinasasangkutan ng mga suspek na naka motorsiklo.
Kinukunsidera ngayon ng PNP na bumuo ng task force para tututok sa mga ito.
Aminado naman si PNP Spokesperson Chief Supt. John Bulalacao, na may mga pagkakataon na hindi naman talaga agad nahuhuli ang mga motocycle riding criminals kaya isa ngayon sa mga tinitignan ng PNP ang mas epektibo na paraan para labanan ang mga ito.
Partikular na tinukoy ni Bulalacao ang Enhanced Managing Police Operations strategy na sinusunod ng PNP na nakatuon sa mga krimen, paglalatag ng mas maraming mga check points, at pagsasagawa ng ibat ibang Oplan.
Samantala, sinabi naman ni Bulalacao na kumpiyansa naman sya sa mga provincial at regional police directors na hindi sila kailangang susian pa para aksiyunan ang mga patayan.