-- Advertisements --

Bukas ang Philippine National Police (PNP) sa anumang isisiwalat ng Pangalawang Pangulo Leni Robredo hinggil sa war on drugs campaign ng gobyerno.

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, walang problema kung may mga gagawing rebelasyon si VP Leni.

Aniya, mainam ito upang malaman kung ano pa ang mga kailangang baguhin para mapaganda pa ang kanilang kampaniya sa iligal na droga partikular ang pag tugis sa mga High Value Target (HVT).

Gayundin para sa pagsusulong ng Community Based Drug Rehabilitation Program ng Pamahalaan para sa mga buhay pang Drug Dependents.


“Bukas ang PNP sa anumang ipapahayag ni VP Leni Robredo para sa lalo pang ikabubuti ng kampanya laban sa high value targets ng iligal na droga at sa pagsulong ng community-based drug rehabilitation program,” mensahe na ipinadala ni BGen. Banac.

Siniguro naman ni Banac na tuloy ang pagtupad ng PNP sa kanilang tungkulin lalao na ang pagsunod sa rule of law, paggalang sa karapatang pantao, at hindi nababahala.