Bukas ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa ano mang mungkahi para mapabuti ng pulisya ang implementasyon ng war on drugs.
Ito’y kasunod ng resulta sa pag-aaral ng Ateneo de Manila University hinggil sa kontrobersyal na kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Ipinagutos na ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde kina director for operations Major Gen. Ma-o Aplasca at Major Gen. Benigno Durana ang pakikpag-ugnayan sa mga nagsaliksik para mapag-usapan ang maaring gawin ng pulisya bilang tugon.
Kaugnay nito, binigyang diin ng PNP chief na maituturing bilang police community relations ang Oplan Tokhang at hindi dapat iniuugnay sa human rights violation.
Hinamon din ni Albayalde ang researchers na patunayan na may paglabag sa karaptang pantao ang Oplan Tokhang.