-- Advertisements --

Bukas ang Philippine National Police (PNP) sa pag repaso ng Department of Justice (DOJ) sa mga kaso ng mga pulis na na-clear ng PNP Internal Affairs Service (IAS).

Itoy matapos sabihin ng DOJ na may balak silang rebyuhin ang kasong may kinalaman sa illegal drugs na inasbwelto ng IAS.

Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, bukas ang kanilang organisasyon sa hakbang ng Department of Justice (DOJ) na rebyuhin ang mga kaso ng mga pulis na naabswelto sa kasong administratibo.

Nais kasi ng DOJ na muling pag-aralan ang kaso ng mga pulis na inabswelto ng PNP Internal Affairs Service matapos na masangkot sa anti-illegal drug operaton kung saan may naitalang nasawi.

Siniguro ni Eleazar sa DOJ na ibibigay ang buong suporta sa gagawing pagrepaso ng mga kaso.

Giit ng PNP chief, wala silang itinatago kaya available ang alinmang case folder na hihilingin ng DOJ.

Tiwala din si Eleazar sa pasya ni Justice Secretary Menardo Guevarra hinggil sa nasabing asunto.

Una nang isinumite ng PNP ang mga case folder sa DOJ na may kaugnayan sa kanilang anti-illegal drug operations kung saan may nasawi nasawi para maimbestigahan ng DOJ.