-- Advertisements --

Magiging bahagi ang simbahan at mga local government officials lalo na ang mga opisyal ng barangay sa pagpapatupad muli ng pambansang pulisya sa Oplan Tokhang part 2.

Paliwanag ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na malaki ang pagkakaiba ngayon sa pagpapatupad nila ng Oplan Tokhang part 2 kumpara nuong nakaraan.

Sinabi ni PNP chief na sa ngayon hindi na basta-basta magsagawa ng Oplan Tokhang ang mga pulis kung hindi kasama ang mga chief of police, precint commanders o station commanders na siyang manguna dito.

Makakasama ng mga police officials ang mga barangay officials at mga kinatawan ng simbahan.

Ayon kay Dela Rosa bukas ang pag imbita ng PNP sa mga kinatawan ng simbahan sa kanilang Oplan Tokhang part 2 ay para tiyakin sa mga ito na transparent ang pambansang pulisya sa kanilang ginagawang trabaho at siguraduhin na hindi nila nilalabag ang karapatang pantao ng mga indibidwal.

Dagdag pa ni PNP chief na maingat sila ngayon sa paglunsad nito ng sa gayon nhindi ito magamit ng mga tiwaling pulis.

Aniya, layon ng Oplan Tokhang part 2 ay pag revisit sa mga dating drug personalities na una ng sumuko kung ang mga ito ay nagbagong buhay na o hindi at ang pagkakaisa ng pamahalaan at simbahan para matuldukan na ang problema sa iligal na droga.

Hihikayatin din ng PNP ang mga drug suspek na boluntaryong sumailalim sa drug rehabilitation ng pamahalaan.