ILOILO CITY – Bumuo ng isang special investigation team ang Philippine National Police (PNP) upang mapabilis ang paglutas sa kaso ng pagpatay sa isang negosyante at licensed teacher na natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng kanyang sasakyan sa Brgy. Inangayan, Sta. Barbara, Iloilo.
Ang biktima ay si Claire Diergos, 36, residente ng New Poblacion, Buenavista, Guimaras ngunit nakatira sa Deca Homes Subdivision, Pavia, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Major Raymond Celoso, hepe ng Sta. Barbara Municipal Police Station, sinabi nito na sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon lalo na kay Rodelyn Sumbong na katulong ng biktima ngunit nilinaw ni Celoso na hindi pa masasabing naging accomplice ang katulong sa pagpatay sa kanyang amo.
Samantala, nag-request na ang PNP sa crime laboratory upang isailalim sa lie detector test si Sumbong ngunit wala pang petsa kung kailan ito isasagawa.