-- Advertisements --

Bumuo ng Task Force ang Philippine National Police (PNP) para paigtingin ang kanilang kampaniya laban sa mga illegal recruiter na patuloy sa pamamayagpag.

Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, tinawag itong Task Force Against Illegal Recruitment (TFAIR) na naatasang pag-aralan at maglunsad ng operasyon laban sa iba’t ibang modus operandi ng mga kawatan.

Bagama’t hindi masyadong napapansin dahil sa COVID-19 pandemic, sinabi ni Eleazar na patuloy silang tumatanggap ng mga sumbong na pinagsasamantalahan pa rin ang mga nagnanais magtrabaho sa ibayong dagat para.

Mandato rin aniya ng Task Force ang magsagawa ng mga surveillance at entrapment operations laban sa isa o grupo ng mga illegal recruiter kabilang na ang escort services sa mga paliparan gayundin sa iba pang ports of departure sa bansa.

Inaatasan din itong magsumite ng target list ng mga illegal recruiter batay sa kanilang intellegence gathering at iyong mga impormasyong ibinibigay mismo ng mga biktima.

Nanawagan naman si Eleazar sa mga biktima ng illegal rectuitment na magsumbong sa kanila upang agad itong maaksyunan.