-- Advertisements --
Bumuo na ang Philippine National Police ng isang task group na siyang mag-iimbestiga sa kaso ng pananambang sa isang election supervisor sa lalawigan ng Sulu.
Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo , ang naturang grupo ay may mandatong tumutok sa kasong ito.
Maaalalang , pinaulanan ng bala ng baril ang sasakyan ni Sulu election supervisor Julie Vidzfar habang pauwi ito sa kanilang tahanan.
Ligtas ang opisyal ngunit hindi nakaligtas ang kanyang kapatid na sakay rin ng parehong sasakyan.
Sinimulan na rin ng Pambansang Pulisya ang back tracking sa mga CCTV footage para makilala ang salarin sa madugong pamamaril.