Ipinag-utos ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang pagbuo ng isang top level PNP coordinating group na makikipagtulungan sa National Bureau of Investigastion (NBI) sa pag-imbestiga ng 52 kaso ng umano’y pang-aabuso ng mga pulis sa kampanya laban sa iligal na droga.
Ayon sa PNP Chief, ang grupong ito ang magpupursige sa pagsasampa ng mga kaukulang kaso base sa matagpuang ebidensya laban sa mga pulis na nagmalabis sa pagpapatupad ng kampanya kontra droga.
Magugunitang unang isinumite ng PNP sa DOJ ang 52 case folders ng mga anti-drug operations kung saan namatay ang mga drug suspeks, para ma-review, sa gitna ng nga alegasyong hindi nasunod ang mga police operational procedures.
Ayon sa PNP Chief, naging kakambal na mga matagumpay na operasyon ng PNP sa kampanya kontra droga sa nakalipas na limang taon ang pagdududa ng mga mamayan sa pagkamatay ng mga suspek.
Giit ni Eleazar, bilang PNP Chief, Hindi niya hahayaan masira ang PNP dahil sa mga alegasyong ganito dahil ang nakataya ay ang karangalan at integridad ng kapulisan.