-- Advertisements --

Malugod na tinanggap ng Philippine National Police ang pagkakatalaga kay Interior Secretary Jonvic Remulla.

Sinabi ni PNP public information officer Brig. Gen. Jean Fajardo, na gaya ng mga nagdaang kalihim ng DILG ay hindi nagbabago ang kanilang suporta.

Naniniwala din si Fajardo na sa karanasan ni Remulla bilang gobernador ng Cavite ay walang magiging problema sa pamamalakad niya sa DILG.

Anumang aniya na naging karanasan nito sa pamumuno bilang local chief executive sa kaniyang probinsiya ay kaniya itong magagamit.

Magugunitang itinalaga si Remulla kapalit ng nagbitiw na DILG Secretary na si Benhur Abalos na tatakbo bilang senador sa 2025 elections.