Nagsagawa ng house-to-house search ang PNP Calabarzon sa loob ng 14-kilometer danger zone bilang tugon sa isinasagawang massive clearing operation na naglalayon para makamit ang zero casualty sa sandaling magkaroon ng hazardous eruption ang bulkang Taal.
Ayon kay PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa, ipinauubaya na nito kay PRO-4A Calabarzon regional police director BGen Vicente Danao Jr ang paghawak sa sitwasyon sa Batangas bunsod ng patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Sinabi ni Gamboa, kung ano ang kakailanganin ng PNP Calabarzon tiniyak nito ang tulong at suporta.
Bagamat pinull out na ng PNP ang mga pulis sa danger zone, may magbabantay pa ring mga pulis sa mga entry at exit points sa mga lugar na naka lockdown.
Inihayag din ni PNP chief na pinahahalagahan din nila ang kalusugan ng kaniyang mga tauhan.
Aminado si Gamboa na ilan dito ay nagkakasakit na pero hindi naman malala.