CEBU CITY – Desidido umanong maghain ng kaso ang biktimang babae sa nag-viral na video kasama ang apat na mga lalaki na siyang nagmolestiya sa kanya.
Ang nasabing video ay pinagpasa-pasahan na sa social media.
Ito Ay matapos kinumpirma ni PRO-7 regional director Brig. Gen. Debold Sinas na bumisita sa kanyang tanggapan ang pamilya ng biktima para magpatulong at mag-file ng kaso.
Nabatid na ang dalawa sa mga lalaki sa video ay mga minors na may edad 15 at 16-anyos habang ang iba pang dalawa ay nasa tamang gulang na.
Ayon kay Sinas, na kung mai-file na ang kaso, kailangang sumurender na ang mga suspect kaya umapela ang director sa mga magulang ng mga minors na isurender na ang kanilang mga anak.
Kaugnay nito, iginiit din ni Sinas na sasampahan din ng kaso ang mga nag-upload sa naturang video at nag-share sa social media.
Sa ngayon meron na umanong 10 mga suspect ang “na-screen shot” ng PNP na nag-share at nag-upload ng video.
Nagbabala rin si Sinas sa hindi pa nag-upload sa video dahil kapag na-trace ang mga ito ay siguradong makukulong.
Kawawa naman daw ang biktimang babae.
Nakikipag-ugnayan na umano si Sinas sa CIDG, CCPO at kay Col. Gemma Vinluan para sa karagdagang imbestigasyon.
Habang nagsasagawa na rin ng kanilang imbestigasyon ang dalawang malalaking unibersidad ng Cebu laban sa mga suspect na nag-aaral sa kanilang university.