Tiniyak ng pamunuan ng PNP- Central Visayas na hindi ito titigil sa ginagawang paghahabol sa mga indibidwal o grupo na nasa likod ng pagpapakalat ng mali at pekeng impormasyon online.
Ginawa nito ang pahayag matapos na maaresto ang dalawang indibidwal na nasa likod ng pagdodoktor sa isang video ng Sinulog Grand Procession.
Sa naturang video ay nagmukha itong grand rally ng mga sumusuporta kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa isang pahayag ay sinabi ni PRO 7 Director, PBGen. Redrico Maranan, nahaharap na ang dalawa sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act .
Ito ay dahil sa pagiging malisyoso ng naturang impormasyon na mabilis na kumalat online.
Ayon kay Maranan ang hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil na habulin at sampulan ang mga nagpapakalat ng fake news sa bansa.