-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patuloy ang ginagawang pagbabantay ng mga kapulisan para sa seguridad sa nalalapit na election for congressman sa probinsya ng Southern Leyte.

Ayon kay Col. Nelson dela Cruz Eucogco, provincial director ng Southern Leyte Police Provincial Office (SLPPO) na sa ngayon ay patuloy ang kanilang ginagawang mga checkpoint kung saan bladed weapon pa lamang ang kanilang nakumpiska.

Wala ring naitalang untoward incident na may kaugnayan sa nalalapit na election.

Nagpapatuloy din an ipinapatupad na election gun ban sa buong probinsiya na nagsimula noong nakaraang Agosto 26.

Ipinahayag din nito na walang idineklarang hotspot area sa buong probinsiya.

Una nang sinuspinde ang congressional election sa naturang probinsya matapos maipasa ang RA No. 11198 o ang pagkakahati ng Southern Leyte sa dalawang distrito.

Ipinalabas din ang naturang batas matapos ang filing of candidacy para sa nakaraang May 13, 2019 kaya napagdesisyunan ng komisyon na isuspinde lang muna ang eleksiyon para sa mga kongresista.

Gagawin ang naturang special election sa darating na Oktubre 26 kasabay ng eleksiyon sa General Santos City.