Mismong si PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr. ang nangunang sumailalim sa ikinasang on the spot drug testing sa ilang matataas na opisyal ng Pambansang Pulisya.
Ito ay bahagi pa rin ng mas maigting na internal cleaning sa buong hanay ng kapulisan sa gitna ng mga isyung kinasasangkutan ngayon ng ilang mga police official kaugnay sa iba’t ibang uri ng ilegal na aktibidad, partikular na sa operasyon at paggamit ng ilegal na droga.
Batay sa ulat na inilabas ng PNP Public Information Office, aabot sa 89 na mga police officers ang isinalang sa naturang random drug testing na isinagawa kasabay ng ipinatawag na command conference ni PNP chief Acorda sa Multi-Purpose Hall sa Camp Crame, Quezon City.
Kabilang sa mga naturang opisyal ay ang PNP Command Group, Directorial Staff, Regional Directors, at maging ang mga National Support Unit Directors ng PNP.
Kung maaalala, una nang sinibak sa puwesto si PCol. Cesar Gerente bilang chief of police nv Mandaluyong City Police Station matapos na magpositibo sa paggamit ng ilegal na driva nang isilalim ito sa random drug testing at confirmatory test.