-- Advertisements --

LAOAG CITY – Iginiit ni Philippine National Police chief Gen. Benjamin Acorda Jr., na isa sa mga prayoridad nito bilang pinuno ng Philippine National Police ay ang maibalik a tiwala ng publiko sa pambansang pulisya.

Ginawa ito ni Acorda sa pagbisita dito sa Ilocos Norte at naging panauhing pandangal sa programang “PAMMADAYAW” na inorganisa ng League of Municipalities of the Philippines sa bayan ng Bacarra para bigyang-parangal bilang ika-29 na pinuno ng pambansang pulisya sa bansa.

Ani Acorda, hindi lingid sa lahat na may mga isyung kinakaharap sa ngayon ang pambansang pulisya pero gagawin niya ang lahat para maibalik ang tiwala sa kanila ng publiko.

Nagbigay din ng mandato si Acorda sa buong organisasyon na dapat iparamdam at ipakita nilang ang totoong serbisyo.

Hinggil dito, sinabi pa ng chief of police na patuloy ang mahigpit din nilang pagtutuk sa illegal na droga sa bansa.

Samantala, ipinaalala na naman ni Acorda sa lahat ng commanders sa lahat ng level na dapat alam nilang lahat ang ginagawa ng mga tauhan nila.