-- Advertisements --
PNP CHIEF AZURIN

Muling iginiit ni Philippine National Police Chief PGEN Rodolfo Azurin Jr. na nananatiling ‘isolated case’ na itinuturing ng pulisya ang sunud-sunod na pamamaslang sa mga Local Executives sa lalawigan.

Ito ang ipinahayag ng hepe ng Pambansang Pulisya sa isang pulong balitaan ngayong araw na ginanap dito sa Camp Crame sa bahagi ng Quezon City kasunod ng insidente ng pamamaril kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa loob mismo ng kaniyang compound residences nitong sabado.

Paliwanag ni Azurin, sa kabila raw kasi ng magkakasunod na krimen na ito ay walang nakikitang magkakaugnay na ebidensya ang pulisya sa lahat ng ito.

Batay kasi aniya sa kanilang isinasagawang imbestigasyon sa ngayon ay lumalabas na nananatiling magkakaiba ang motibo sa pag-atake sa mga Local Executives at hindi aniya ito sumasalamin sa pangkalahatang peace and order situation sa buong Pilipinas.

Unang sinabi ni PNP Chief Azurin na “isolated case” lamang ang magkakasunod na insidente ng pamamaril sa Local Executive sa bansa kasunod ng inilabas na datos ng directorate for investigation and detective management na nagpapakita ng pagbaba ng index crime sa Pilipinas.

Kung maaalala, si Negros Oriental Gov. Degamo ang ikaapat na Local Executive na inatake ng mga armadong kalalakihan.

Bago ito ay biktima rin ng pamamaril ang ambush survivor na si Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong noong Pebrero 17,

Pebrero 19 naman napatay sa isa pang pananambang si Aparri Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda habang sugatan naman ang Mayor ng Datu Montawal, Maguindanao del Sur sa pamamaril sa Pasay City nitong Pebrero 22.