-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Bumisita ng General Santos City si Philippine National Police chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. para sa isang command visit sa Police Regional Office (PRO)12 sa Brgy. Tambler, dito sa lungsod.

Pinangunahan nito ang ilang aktibidad tulad ng inagurasyon sa Makatao Hall, paglulunsad ng Project H.O.R.S.E. (Hinterland Operational Response for Services and Emergency), pagbibigay ng award sa mga pulis na nakagawa ng magandang performance.

Habang iprinesenta kay PGen. Azurin Jr ang binunot na mga tanim na marijuana, nakumpiskang mga armas pati ang mga sumukong rebelde.

Sa kanyang naging mensahe, nagpasalamat si PGen. Azurin Jr. sa mainit na pagtanggap sa kanya ni Brig. Gen. Jimili Macaraeg, PRO 12 regional director.

Pinuri nito ang lahat ng accomplishments ng PRO 12.

Samantala, muling pinaliwanag ng PNP Chief na ang panawagang courtesy resignation sa heneral at colonels ay bahagi ng isinasagawang internal cleansing ng PNP sa kanilang hanay.

Matatandaan na unang inihayag ni Azurin na isasapubliko ang pangalan ng mga opisyal na mapatunayan na sangkot sa ilegal na droga.