Pinaplano ngayon ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa na magtayo ng “Chinese desk” kasunod ng mga naitatalang krimen na kinasasangkutan ng mga Chinese nationals.
Layon nang pagtatayo ng Chinese desk ay para matutukan ang mga kinasasangkutang criminal activities ng mga nasabing banyaga.
Nais din ni Gamboa na magkaroon ng cross-training sa language at kultura ng mga Tsino ng sa gayon maintindihan ng mga Pinoy kung bakit nila ito ginagawan.
Bubuo ang PNP ng Technical Working para pag-aralan nito.
Una rito ang PNP Anti-Kidnapping Group ay nag-set up na rin ng kanilang Chinese desk nitong buwan lamang ng Enero dahil sila ang unit ang may hawak sa mga sensational cases gaya ng kidnapping at extortion.
Ayon kay PNP chief Gamboa nakatuon pa lamang ngayon ang technical working group kung paano gagawin.
Kapag nagkasundo aniya ang technical working group sa paglalagay ng Chinese desk sa bansa ay bago lamang ito maisasakatuparan.
Ngayong wala pang nabubuong Chinese desk, nakikipag-ugnayan pa ang PNP sa Chinese embassy.
Ito ay para i-apply sa Pilipinas ng mga pulis ang mga istratehiya upang mahuli ang mga Chinese na gumagawa ng krimen sa bansa.