-- Advertisements --

Mas pinili ni PNP chief Director General Ronald Dela Rosa na bisitahin ang apat na nasawing pulis kahapon sa Kalinga,Apayao imbes na dumalo sa pagdinig sa senado ngayong araw.

Nais kasi ni Dela Rosa na personal iparating ang kaniyang pakikiramay sa mga kaanak ng apat na nasawing pulis.

Napatay sa enkwentro ang apat na pulis matapos isilbi ang warrant of arrest noong nakaraang araw sa isa sa top most wanted person sa buong bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson SSupt. Dionardo Carlos na bukod sa bibisita ito sa mga nasawing pulis magsasagawa din ito ng security assessment kaugnay sa kampanya kontra illegal gambling.

Kinilala ang mga napatay na pulis na sina PO3 Cruzaldo Lawagan, PO2 Juvenal Aguinaldo, PO1 Vincent Tay-od at PO1 Charles Ryan Compas.

Habang nasa kritikal na kondisyon naman ang tatlo pang iba na kinilalang sina PSI Eduard Liclic, PO1 Ferdinand Asuncion at PO1 Ferdie Diwag.