-- Advertisements --

annayo1

Tiniyak ni PNP Chief PGen. Debold Sinas sa pamilya ng napaslang na dating hepe ng Jolo PNP na si PLt. Col. Walter Annayo, ang mabilis na resolusyon ng kaso.


Ang katiyakan ay personal na ibinigay ni Sinas sa iniwang asawa ni Annayo na si Alma at dalawang anak, sa kanyang pagbisita sa burol ng napaslang na opisyal sa Baguio City kagabi.

Nagbigay ng kanyang “last respects” si Sinas kay Annayo kasabay ng pag-bibigay ng tulong pinansyal sa pamilya, at pangakong mabilis na ilalabas ang mga benepisyo para sa mga naulila ng opisyal.

annayo

Si Annayo ay binaril at napatay ng hindi pa kilalang salarin nitong nakaraang Sabado matapos bumaba ng kanyang sasakyan para bumili ng buko juice sa kahabaan ng Narciso Ramos Highway Brgy Macabiso, Sultan Mastura Maguindao.

Na relieved sa pwesto si Annayo bilang chief of Police ng Jolo, Sulu matapos na masangkot ang siyam niyang tauhan sa pamamaril at pagpatay sa apat na sundalo sa tinaguriang “Jolo Shooting incident” noong Hunyo.


Una naring nanawagan ang PNP Chief sa publiko na iwasan ang spekulasyon sa pagkamatay ng opisyal habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang PNP-BARMM sa tulong ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Hindi naman nagtakda ng timeframe si PNP chief sa imbestigasyon sa kaso ni Annayo.