Binisita ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang probinsiya ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi para personal alamin at kamustahin ang mga police personnel na naka-deploy sa Bangsamoro Autonomous Region.
Unang tinungo ni Eleazar ang siyudad ng Isabela sa probinsiya ng Basilan.
Ito ang kauna-unahang pagbisita ni PNP chief sa probinsiya at pangpito na regional police office na kaniyang binisita matapos maupo sa pwesto noong buwan ng Mayo.
Lubos ang pasasalamat nito sa mga local officials sa mainit na pagtanggap sa kaniya lalo na sa patuloy na suporta na ibinibigay ng mga ito sa mga police stations sa kanilang mga areas of jurisdiction.
Sinalubong si Eleazar ni Basilan Gov. Jim Salliman at Vice Gov. Yusop Alano.
Nakipagpulong si PNP chief sa mga local chief executives ng probinsiya at binigyang-diin ang kaniyang adbokasiya na mga pagbabago para sa PNP.
Hiling nito sa mga opisyal na suportahan ang kaniyang mga reformative programs para sa buong PNP organization.
Kinausap din ni PNP chief ang mga police personnel ng probinsiya kung saan binigyang diin nito ang kaniyang direktiba na tiyakin hindi mamayagpag ang mga police scalawags, panatilihing malinis ang mga police headquarters.
Pinarangalan din ni Eleazar ng Medalya ng Kagalingan ang pitong police operatives dahil sa kanilang outstanding accomplishments sa kampanya laban sa iligal na droga.
Pinangunahan din nito ang oath-taking nang Advocacy Support Group members and multipliers para sa probinsiya ng Basilan.
Namahagi din ang PNP grocery items sa 30 beneficiaries ng Barangnihan.
Nagtungo din sa probinsiya ng Sulu si PNP Chief kung saan nag courtesy call ito kay Sulu Governor Sakur Tan at nakipag pulong din sa mga local chief executives sa lugar.
Binigyang-diin ni Eleazar ang kaniyang polisiya at ang kampanya nila laban sa terorismo.
Binisita din ni Eleazar ang Tawi-Tawi Police Provincial Office kung saan kinausap din nito ang lahat ng police personnel at binigyang diin ang kaniyang mga direktiba.