-- Advertisements --

Welcome kay PNP chief Dir. Gen.  Ronald  Dela Rosa ang suhestyon ni PDEA Director General Aaron Aquino na palitan ang slogan ng kampanya kontra droga.

Ito ang inihayag ng PNP chief matapos na ilahad ni Aquino na tinalakay ang pag-uugnay ng publiko sa “Oplan Double Barrel” at “Oplan Tokhang” sa madugong kampanya kontra droga.

Sinabi  ni Dela Rosa na walang problema sa kanya kung palitan ang pangalan ng “Oplan Double Barrel” at “Oplan Tokhang.”

Tanong pa ng PNP chief na “what’s in a name?”

Giit ni Dela rosa, “least of his concerns” ang itatawag sa panibagong kampanya ng PNP kontra droga.

Aniya, kahit na ano pang slogan ang gamitin ng PNP ay pihadong hahanap at hahanap parin ng ma-iisyu sa PNP ang mga kritiko ng war on drugs.

Aniya, hindi na importante kung ano pa ang itawag sa kampanya kontra droga, dahil ang mas importante aniya ay ang resulta.

Gagawin na lang aniya ng PNP ang lahat para hindi na maging masyadong madugo ang war on drugs.