-- Advertisements --

Kinumpirma ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos na positibo siya sa Corona virus, na pinaghihinalaang Omicron variant.


Ito’y matapos magpa-test kasama ng kanyang mga anak at close-in Security noong linggo, kasunod ng pagkaranas ng lagnat at “chills” ng kanyang mga household staff.

Ayon kay Gen. Carlos, kasama niyang nag-positibo ang kanyang duty driver at aide na kasama niya sa sasakyan noong linggo.

Nakaranas din aniya siya ng panlalamig at lagnat noong linggo ng gabi, pero kinabukasan ay pananakit ng likod nalang ang kanyang naranasan.

Iniulat ng PNP Chief na as of 9:30 ngayong umaga nasa 37.1 ang kanyang temperatura, 98 ang blood oxygen; normal to slightly elevated ang blood pressure; walang ubo; “clear” ang kanyang baga; at “bioflu” lang ang kanyang medikasyon.

Inabisuhan na aniya niya si DILG Sec. Eduardo Año tungkol sa kanyang kondisyon, at pinayuhan siyang magpahinga lang habang naka-quarantine.

” This is to CONFIRM that I, PGEN DIONARDO B CARLOS, tested POSITIVE for Covid 19 virus (suspected Omicron variant). Unfortunately, I too, tested POSITIVE including my duty driver and aide who were with me in the van Sunday morning. I experienced fever, chills and body sweats Sunday evening but come Monday 03Jan22, only lower back pain remains, ” pahayag ni PNP Chief Carlos na ipinadala sa PNP Press Corps.