-- Advertisements --

Bukas si PNP chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan sa anumang pwesto sa gobyerno na ibibigay sa kaniya sa sandaling mag retiro na ito sa serbisyo.

Si Cascolan ay nakatakdang mag retire sa police service sa darating na November 10, ang kaniyang ika-56th birthday na siyang mandatory age retirement.

No comment pa rin si PNP chief nang tangungin hinggil sa posibilidad na mapalawig pa ang kaniyang termino bilang hepe ng Pambansang Pulisya.

Ayon kay Cascolan, hindi siya titigil sa pagtatrabaho hanggang marating na ng PNP ang kaniyang pinapangarap na 9 point agenda sa ilalim ng kanilang PATROL PLAN 2030.

Gayunman, ipinagmalaki ni Cascolan na bagama’t maikli lang ang kaniyang naging termino, naging makabuluhan at mabunga naman ito dahil kaniyang naibalik ang imahe ng mga Pulis na Disiplinado, Respetado at Responsable.