-- Advertisements --
ILOILO CITY – Itinutulak ni Philippine National Police Chief General Camilo Pancratius Cascolan ang pagbibigay ng pahintulot sa sabong.
Ito ang sinabi ni Cascolan kasabay ng pagbisita nito sa Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Cascolan, sinabi nito na idudulog niya kay Department of the Interior and Local Government Sec. Eduardo Ano ang nasabing usapin.
Ayon kay Cascolan, lilimitahan lamang sa 30% ang maaaring makapanood sa loob ng sabungan.
Nilinaw naman ng PNP Chief na subject for approval pa rin ang pagbalik ng sabong sa National Inter-Agency Task Force.