Naniniwala si outgoing Philippine National Police Chief Camilo Cascolan na kahit dalawang buwan lang ang itinigal ng kanyang panunungkulan sa pwesto ay marami syang nagawa.
Kaya binigyan ni Cascolan ang kaniyang sarili ng grado na 9.5 out of 10.
Paliwanag ni Cascolan, kuntento siya sa kanyang termino dahil sa ilalim ng kaniyang termino ay napatupad ang direktiba ng Pangulo na mas maigting na kampanya laban sa iligal na droga at internal cleansing.
Marami rin anyang nahuling High Value Target bunga ng anti-criminality at anti-insurgency campaign.
Dagdag pa ni Cascolan, tumaas ang morale ng mga pulis dahil sa PNP localization program kung saan napalapit sila sa kanilang area of residence.
Sa loob ng dalawang buwan sa pwesto, kabilag sa ipinatupad nito ang decongestion sa kampo Crame kung saan inilipat ng opisina at binigyan ng responsibilidad gaya ng paglaban sa insurgency at pagtutok sa water search and rescue ang Directorate for Integrated Police Operation (DIPO).
At ang localization program kung saan binibigyan ng pagkakataon ang mga pulis na magpa transfer ng assignment sa kani-kanilang bayan upang itaas ang morale ng mga ito at mapigilan ang korupsiyon.