-- Advertisements --

Ayaw na lang patulan ni PNP chief PDGen. Ronald dela Rosa ang naging pahayag ni Commission on Human Rights Chair Chito Gascon na bigo ang gobyerno na protektahan ang mga mamamayan nito.

Ito ay matapos ihayag ng PNP na umaabot na sa 9,000 homicide cases ang kanilang naitatala simula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte kung saan nasa 1,800 ang kumpirmadong namatay dahil sa iligal na droga.

Pagbibigay diin ni Dela Rosa, na sa mata naman ng CHR ay laging palpak ang gobyerno ni hindi anya pinapansin ng mga ito ang mga tagumpay ng pamahalaan.

Para kay PNP chief ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para tiyakin na ligtas ang mga mamayan sa anumang kriminalidad.

Magugunita na humingi ng paumanhin si Dela Rosa sa CHR kaugnay sa pagkaka diskubre ng secret jail sa Manila Police District (MPD).