BUTUAN CITY – Matagumpay ang pagbisita ni Philippine National Police (PNP) Director General Dionardo Carlos sa Police Regional Office-13 (PRO-13).
Ayon kay Major Dorothy Tumulak, tagapagsalita ng PRO-13, naging highlight sa command visit ng PNP chief ang pakikipag-usap sa mga unit commanders, provincial directors, uniformed at non-uniformed personnel.
Nagsagawa din ng awarding ceremony sa mga pulis na may exemplary contribution lalo na sa mga kasama sa dumakip kay Dra. Maria Natividad Silva Castro, isang miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) Central Committee at head ng National Health Bureau ng New People’s Army (NPA).
Nagsagawa din ng blessing at turn-over ceremony para sa 21 mga patrol vehicles na ibibigay sa mga police units nitong rehiyon ng Caraga at blessing naman sa PRO-13 Riders’ Nook sa loob mismo ng kampo pati na ang pamimigay ng mga food packs at ng financial assistance para sa 10 mga former rebels matapos ang pagpirma ng manifesto.
Mariin naman nitong pinaaalahanan ang pulisya na iwasan ang mga iligal na aktibidad lalo na ang e-sabong.