-- Advertisements --

Maging si PNP chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa ay hindi abswelto sa isasagawang imbestigasyon ng PNP-Internal Affairs Service (IAS) kapag may nakitang probable cause kaugnay sa pagkakadawit nito sa isyu ng Davao Death Squad (DDS).

Ayon kay Internal Affairs Service deputy Inspector General Police Director Leo Angelo Leuterio nagsasagawa na sila ngayon ng verification ukol sa mga isiniwalat ni retired SPO3 Arthur Lascanas.

Sinabi ni Leuterio nasa proseso pa sila ngayon sa pagkuha ng mga ebidensiya kaugnay sa mga ibinunyag ni Lascanas.

Inihayag ni Lascanas sa Senado na maging si Dela Rosa ay inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumatay din.

No comment naman dito si PNP chief.

Aminado si Dela Rosa na siya ay nasorpresa sa mga pahayag ni Lascanas.

Aniya, kilala niya si Lascanas na isang ordinaryong pulis sa Davao City noong siya ang chief of police pero hindi niya ito personal na kakilala.