Hindi umano naniniwala si PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa sa paliwanag ni P/Supt. Maria Cristina Nobleza na nagtatrabaho siya bilang “deep penetration agent” ng pamahalaan para ma-infiltrate ang Abu sayyaf.
Ito ang sinabi ng PNP chief matapos niyang personal na makausap ang nakakulong na police colonel sa Camp Crame.
Ayon kay Dela Rosa hindi otorisado ng PNP si Nobleza na magsagawa ng ganong klaseng operasyon, at ang kanyang pakikipagrelasyon sa Abu Sayyaf bomb expert na si Reenour Lou Dongon ay pawang sariling diskarte niya.
Giit ni Dela Rosa, kwestiyonable ang loyalty ni Nobleza matapos mabatid na nakipagrelasyon ito sa bandidong Abu Sayyaf.
Pahayag pa ni PNP chief, lahat ng mga impormasyon na makukuha nila mula kay Nobleza ay kanila itong isasapubliko.
Binigyang-diin ni Dela Rosa na ang ginawa ni Nobleza ay hindi direktiba ng PNP.