Idinepensa ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa ang pagpatay ng cellphone signal kahapon sa Maynila lalo na sa area malapit sa blast site.
Ayon kay Dela Rosa na ang pagpatay ng cellphone signal ay bahagi ng kanilang isinasagawang clearing operation sa lugar.
Sinabi ni PNP chief na kanilang hiniling sa mga telcos company na patayin muna ang signal sa loob 48 na oras, dahil hindi kaya ng signal jammers.
Natapos na rin ng PNP ang kanilang post blast investigation na pipe bomb pa rin ang ginamit ng mga suspek sa pagpapasabog sa Quiapo.
Sa kabilang dako, ayon kay NCRPO chief PDir. Oscar Albayalde na isang PVC pipe at bulitas ang ginamit na mga components sa ginamit na improvised explosive device (IED).
Nilinaw din nito na ang nasabing IED ay magkaiba sa mga pampapasabog na ginagamit sa Mindanao.
Una ng sinabi ni Albayalde na lahat ng tenants sa building kung saan nangyari ang pagsabog nuong Sabado ay kanilang isinailalim sa profiling.