BUTUAN CITY – Naging init na isyu ngayon sa mga media entities nitong lungsod ng Butuan ang hindi pagharap niPhilippine National Police Chief Director General Rommel Francisco Marbil sa mga media men nang ito’y bumisita sa Police Regional Office o PRO-13 kahapon.
Ito’y dahil nitong nakaraang linggo bago ang kanyang pagbisita ay ipinatawag pa ng PRO-13 ang mga media men upang ma-arrange ang lahat kung kaya’t nabulabog ang mga ito na parang nagiging ‘exclusive’ na lamang ang pagbisita ng PNP Chief.
Kasama sa pinaghihinalaang dahilan ay posibleng pag-iwas ng heneral na mabato ng mga tanong ukol sa open letter ni Vice President Sara Duterte dahil sa ginawa nitong pagkuha sa 75 mga police escorts na kinwestyon sng besi presidente sabay pahayag sa mga paglabag sa batas na kanyang nagawa.
Sa kabila nito’y open ang Bombo Radyo Butuan sa gagawing paglilinaw ng PRO-13 ukol sa biglaang pag-iba ng dapat sana’y na-arrange na, na flow of event.