-- Advertisements --
Screenshot 20210904 212821 Viber 1

Habang papalapit na ang filing ng certificate of candidacy, ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Lorenzo T Eleazar ang crackdown laban sa mga private armed groups.

Ayon sa heneral, posible raw itong gamitin para maimpluwensiyahan ang outcome o kahihinatnan ang national at local elections sa susunod na taon.

Nagbigay na raw ito ng direktiba sa lahat ng PNP commanders na higpitan ang measures laban sa naturang mga grupo lalo na’t isasagawa na ang paghahain ng CoC sa susunod na buwan.

Kailanga daw paigtingin ng local police ang kanilang intelligence gathering measures para labanan ang naturang mga grupo para mapigilan ang election violence.

Tiniyak naman ng PNP sa publiko na hindi magtatagumpay ang violent groups sa poll season at para hindi raw magkaroon ng dayaan sa halalan.

Partikular na sa paghahain ng CoC, campaign period, election day maging sa gaganaping declaration ng mga nanalo sa halalan.

Base sa datos ng PNP nasa 65 members ng private armed groups ang na-neutralize na ng pamahaal at walo rito ang naaresto na habang isa ang napatay at 56 iba pa ang sumuko sa pamahalaan.

Sa 13 isinagawang operasyon mula Enero hanggang Agosto 2021 nasa 73 na armas ang narekober ng mga otoridad.