-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang 120th Police Service Anniversary sa Police Regional Office (PRO) 6 Grandstand sa Camp Gen. Martin Teofilo B. Delgado sa Fort San Pedro, Iloilo City.

Tema ng aktibidad ang “Hangad na Kalinisan sa Kapulisan, Kapaligiran at Komunidad; Ibayong Gampanan para sa Pangkapulisang Integridad.”

Kasabay nito, nagbigay rin ng gantimpala ang PNP Chief sa mga deserving na PNP personnel, units, at special awards sa Covid-19 response.

Nagsagawa rin ng ceremonial blessing ng mga PNP equipment, at naglatag ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Opertions accomplishments ng PRO6.