-- Advertisements --

PMAGuillor

Pinarangalan ng Philippine Military Academy (PMA) si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa pamamagitan ng isang Testimonial Parade and Review.

Si Eleazar na kabilang sa PMA Hinirang Class of 1987 ay nakatakdang magretiro sa serbisyo sa Nobyembre 13 ng taong ito, pagsapit ng kanyang ika-56 na kaarawan.

Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Eleazar sa PMA na aniya’y naging kanyang pundasyon sa pagkakaroon ng pagkakataon na makapagsilbi sa bayan.

Sinabi ni Eleazar na ang kanyang pamumuno sa PNP ay nakasentro sa Intensified Cleanliness Policy, kung saan ang mga nakikitang mali ay agad na inaayos bago lumala at makahawa at maging mas malaking problema.

Nanawagan si Eleazar sa mga kadete na magputapad din ng kahalintulad na reporma sa kani-kanilang mga unit kapag panahon na para sila ay mamuno.