-- Advertisements --

Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) na nagkaroon ng pagtitipon at kasiyahan ang mga opisyal nito kasama na si PNP chief General Archie Gamboa habang sila ay nasa lungsod ng Baguio.

Sinabi ni Gamboa na walang katotohanan ang pagkalat ng balita na nagsagawa sila ng party.

Paglilinaw din nito na lahat ng mga kapulisan na nagtungo sa lungsod ay dumaan sa triage na kung saan isang mandatory medical check-up na isinasagawa ng mga local government para hindi na kumalat pa ang coronavirus.

Isa lamang aniyang hapunan ang nangyari na nagtapos pasado 9 p.m.

Alam din aniya ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nandoon sila at lahat ng aktibidad ay may koordinasyon sa kaniyang opisina.

Magugunitang kumalat ang balita lalo na sa social media na nagsagawa ng kasiyahan si Gamboa sa Philippine Military Academy (PMA) bilang farewell gathering sa nalalapit nitong retirement sa darating na Setyembre 2.