-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Iprinisenta kay Philippine National Police o PNP Chief Director General Benjamin Acorda Jr., ang 19 na mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army o CPP-NPA na tinawag na ngayong friends rescued, matapos sumuko sa mga police units sa iba’t ibang bahagi ng Caraga Region.

Siya rin ang nanguna sa demilitarisasyon o pagsira sa ibat-ibang uri ng armas na narekober ng pulisya nitong rehiyon mula sa sumukong mga rebelde.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Police Major Jennifer Ometer, tagapagsalita ng Police Regional Office o PRO-13, na maliban sa 19 na mga friends rescued, mayroon pang mahigit isang daan na pinoproseso pa sa Agusan del Sur.

Habang umabot naman sa 178 iba’t ibang uri ng armas ang itinu-turn over sa PNP chief na sya namang nanguna pagsira sa mga ito.