BAGUIO CITY – Idineklarang ‘adopted son’ ng lalawigan ng Abra si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar.
Sa bisa ito ng Resolution 125, series of 2021 ng Sangguniang Panlalawigan ng Abra na ipinasakamay ng provincial government sa kanya kasabay ng kanyang pagbisita doon.
Binigyan si Gen. Eleazar ng pangalan na “Magyukan” kung saan sa alamat ng tribong Tingguian ay isang matapang, malakas at mahusay na indibidual na tagapagtanggol ng mga tao at komunidad.
Niregalohan ito ng katutubong o tabungaw hat na ginawa mismo ng National Living Treasure mula Abra na si Teofilo Garcia maliban pa sa isang rice mosaic portrait at isang Tingguian vest.
Kasabay ng pagbisita ng PNP Chief sa Abra ay iniharap sa kanya ang 40 mga rebel surrenderees mula sa ibat-ibang bayan ng lalawigan at ipinakita pa sa kanya ang mga baril na isinuko ng mga ito.
Personal naman na ipinagkaloob niya ang mga certificate of entitlement ng livelihood program sa mga formel rebels na nagkakahalaga ng tig-P20,000 bilang pagbabagong buhay ng mga ito.
Ipinagkaloob din niya ang recognition sa mga deserving personnel ng Abra Provincial Police Office at ibinigay niya sa mga ito ang mga kagamitan mula sa national headquarters ng PNP.