Hinarap at kinausap ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde ang inarestong si Quezon City Cong. Bingbong Crisologo matapos arestuhin ng mga pulis dahil sa ginawang pagmumura at pina-lock ang bahay kung saan pinasok ng mga pulis dahil sa umano’y vote buying and selling.
Sa pagharap nina Albayalde at Crisologo nagpaliwanag ang mambabatas kaugnay sa insidente.
Mahinahon naman ang mambabatas nang magharap sila ni Albayalde kasama si NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar.
Una nang sinabi ni PNP chief na kasong obstruction of justice at paglabag sa Omnibus election code kakaharapin ng mambabatas.
Pero pinaiimbestigahan na ni Albayalde kay Eleazar ang insidente.
Sinabi ni PNP chief nais niya mabatid ang katotohanan sa insidente.
Kasalukuyang nananatili sa QCPD CIDU si Crisologo.
Sa kwento ni PNP chief ipinag-utos daw ni Crisologo na i-padlock ang bahay na pinasok ng mga pulis dahil sa umano’y vote buying and selling.
Isinailalim na nga sa inquest proceedings sa Quezon City Prosecutors office si Crisologo.