Hinimok ni PNP chief PDGen. Oscar Albayalde ang apat na mga dating mambabatas na sumuko na lamang sa otoridad na nahaharap sa kasong murder at may warrant of arrest.
Tiniyak naman ng heneral na walang paglabag sa karapatang pantao sakaling aarestuhin ang apat na mga dating mambabatas.
Ayon kay Albayalde, hinihintay pa nila ang kopya ng warrant of arrest na inilabas ni Palayan RTC Judge Evelyn Atienza-Turla laban sa apat na mga dating mambabatas kabilang sina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, Teddy Casino, NAPC Commissioner Liza Masa at dating DAR Secretary Rafael Mariano.
Sinabi ni PNP chief na wala silang option kundi ipatupad ang ipinag-utos ng korte na isilbi ang mandamiento de aresto.
Inihayag naman ni PNP Spokesperson PS/Supt. Benigno Durana na kanilang sisiguraduhin na hindi malalabag ang karapatang pantao ng apat na dating mambabatas sakaling sila ay sislbihan na ng warrant of arrest.
Inakusahan sina Ocampo, Casino, Maza at Mariano na
nagpapatay umano kina Danilo Felipe, Carlito Bayudang at Jimmy Peralta nuong 2001 at 2004.
Pero mariin namang itinanggi ng apat ang akusasyon laban sa kanila.
” The PNP will respect the order of the court. That is our constitutional mandate that law enforcers must abide with due consideration to the human rights and dignity of the accused,” mensahe ni Durana.