-- Advertisements --

Ikinatuwa ng Philippine National Police (PNP) ang naging desisyon Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kaso ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa at iba pa.

Ayon kay PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde malakas ang ebidensiya laban kay Kerwin.

“I am glad that DOJ found merit in the case fiked by the CIDG against Kerwin Espinosa and sever other respondenta for violation of RA 9165,” wika ni Albayalde.

Giit pa ni PNP chief na sa simula pa lang ng kaso, very consistent ang CIDG sa isinagawa nitong case build up.

Tiniyak naman ng PNP na lahat ng mga impormastion at mga ebidensiya na kakailangin ng DOJ ay kanilang ibibigay.

Nitong Huwebes lamang ipinag utos ng DOJ ang pagsampa ng drug charges laban kay Espinosa ay kabaligtaran sa naunang inilabas na ruling nuong 2017.