-- Advertisements --
PNP CHIEF OSCAR ALBAYALDE 1
PNP Chief

Ikinatuwa ni PNP chief P/Gen. Oscar Albayalde ang pag-release ng Department of Budget and Management (DBM) ng pondo para sa pagtaas ng pensyon ng mga retiradong pulis.

Sinabi ni Albayalde na ang naturang halaga ay para sa “adjustment” ng pensiyon ng mga retiradong pulis mula Hunyo hanggang Disyembre 2019, na katumbas ng “one month base pay scale” ng mga aktibong pulis.

Ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Joint Resolution No. 1 ng kongresso na nag-ootorisa ng umento sa pensyon ng mga retiradong mklitary at police personnel.

Nagpasalamat si Albayalde sa karagdagang benepisyo na tatanggapin ng mga retiradong PNP members bilang pagkilala sa kanilang mga taong inialay sa pagseserbisyo.

Ayon sa PNP Chief, ipinapakita pang nito ang tunay na pagmamalasakit ng Duterte administration sa mga miyembro ng unipormadong serbisyo.