-- Advertisements --

Ikokonsulta pa ng Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Francisco Marbil sa Civil Service Commission kung ano ang guidelines sa mga kapulisan ng pagkakaroon ng tattoo.

Dagdag pa nito na kakausapin din nito ang kanilang health service kung ano ang magiging epekto sakaling tanggalin sa katawan ng isang pulis ang tattoo kung meron ba itong epekto sa kalusugan at iba pa.

Paglilinaw niya na mahalaga na maging malinis sa buong katawan ang kapulisan para lalong maging mapalapit ang tao sa kanila.

Magugunitang ipinag-utos ng PNP chief ang pagbabawal sa mga kapulisan na magkaroon ng tattoo maging ang mga aplikante nila.