BAGUIO CITY – Sinimulan nang imbestigahan ng Police Regional Office (PRO)-6 ang kontrobersiyal na si PLt. Col. Jovie Espenido hinggil sa ginagawa nitong kaliwa’t kanang interview sa media.
Ayon kay PNP chief PGen. Archie Francisco Gamboa, inumpisahan na ni PRO-6 regional director PBGen. Rene Pamuspusan ang imbestigasyon kay Espenido.
Pinagpapaliwanag na rin aniya ni Pamuspusan si Espenido hinggil sa aksiyon nito.
Kapag hindi natuwa ang opisyal sa paliwanag nito, posible umanong mabibigyan ito ng sanction pero hindi hahantong sa insubordination dahil isa na itong grave offense.
Ayon kay Gamboa, naintindihan niya ang ginawa ni Espenido na nadala lang umano sa kaniyang emosyon.
Kinumpirma ni Gamboa na may initial result na sila sa isinagawang adjudication process.
Sa darating na March 3 ang araw ng joint command conference ibibigay na ng PNP ang resulta kay Pangulong Rodrigo Duterte.