Tahasang inamin ni PNP chief Ronald Dela Rosa na ang nasawing17-anyos na Grade 11 student na si Kian Delos Santos ay isang drug courier.
Batay ito sa report na nakalap ng intelligence community ng PNP.
Ibinunyag din ni Dela Rosa na ang ama ni Kian na si Saldy ay isang drug pusher kung saan ang binatilyo ang siyang courier.
Lumabas aniya ang pangalan ni Kian sa kanilang intelligence report, kung saan sangkot daw ito sa illegal drug trade na nagsisilbing courier ng ama na isang drug user.
Dagdag pa ni Dela Rosa kilalang siga sa lugar ang ama ni Kian kaya ilan sa mga residente doon ay natatakot magsalita laban sa pamilya Delos Santos.
Aminado ang PNP Chief na nadismaya siya sa resulta ng operasyon lalo na sa pagkakapatay sa teenager pero satisfied naman daw siya sa operasyon.
Pagtiyak ni Dela Rosa, legitimate ang nasabing operasyon at may basehan na si Delos Santos ang siyang source ng illegal drugs.
Kasunod ng insidente agad na sinibak na sa pwesto ni PNP Chief ang chief of police ng Caloocan na si Sr. Supt. Chito Bersaluna, at tatlong iba pang pulis sangkot sa anti-drug operation na ikinasawi ng Grade 11 student.
Kasalukuyang iniimbestigahan na ng PNP-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang Caloocan operation.