Inamin ngayon ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na malaki talaga ang bilang ng mga pulis na sangkot sa iligal na droga.
Ito ay kasunod sa naging pagbubunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na aabot sa 9,000Â pulis ang sangkot sa ilegal na droga.
Sa pahayag naman ni Dela Rosa, batay sa una nitong nalalaman na may two percent na sa kabuuang 175,000 pulis ng PNP ang sangkot sa iligal na droga, pero hindi nya inaasahan na lomobo na pala ito sa mahigit five percent.
Nilinaw naman ng PNP chief na sa naturang bilang, hindi lahat doon ay pasok sa sindikato.
Maaaring ang kahulugan lamang daw nito ay may mga pulis na pabaya sa kanilang trabaho at pinapabayaan na lamang mamamayagpag ang iligal na gawain sa kanilang lugar.
Paliwanag pa ni PNP chief, kasama sa bilang na nabanggit ng Pangulo ang mga aktibong pulis na una na nilang nasampahan ng kaso.
Hindi napigilan ni PNP chief na manggigil sa mga pulis na sangkot sa iligal na droga.
At kung siya lamang daw ang masusunod ay nais nya na “pagpapatayin” na lamang ang mga nasabing pulis.
“Hindi naman sa sinasabi nya na pasok sa sindikato ‘yung 9,000, sangkot, ibig sabihin na sangkot may involvement in one way or another. Yung involvement nya baka nandoon sa pagpapabaya na grabe na ‘yung, alam nya na grabe na yung transaksyon ng droga sa lugar nya pero walang ginagawa,” pahayag pa ni Dela Rosa