-- Advertisements --

Nagsasawa na si PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa sa pag apela sa mga pulis na huwag nang makisangkot pa sa operasyon ng iligal na droga.

Aniya, imbes na makiusap, hinikayat na lamang nito ang mga pasaway na pulis na manlaban na lang o makipagbarilan sa operating troops.

Ito ay para mapadadali ang paglutas sa problema niya laban sa mga tiwaling pulis.

Dahil hindi na makuha pa ngayon sa pakiusapan o babala ang mga pasaway na pulis.

Aminado si Dela Rosa na siya ay nababagalan sa proseso ng pagpapanagot sa mga tiwaling pulis.

Kapag kinasuhan aniya ay nakukuha rin ng mga to na makapagpiyansa dahil suportado ng  druglord, at kapag nakalabas, tuloy na naman ang ligaya.

Sinabi ni PNP chief kung makabubuti ay idaan na lamang sa pinakamabilis na paraan ang pagpanagot sa mga pulis sa pamamagitan ng pakikipag duelo na lamang ng mga ito.