Aminado si outgoing PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na nasurpresa siya na biglang naputol ang kaniyang term extension bilang pinuno ng pambansang pulisya.
Pero ayon kay Dela Rosa si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang nakakaalam at siya ang nagdedesiyon ukol dito.
Nakatakda sanang mag retiro sa serbisyo si Dela Rosa sa April 21, 2018 pero napa aga ito ng tatlong araw.
Magugunita na nuong January 21, 2018 ang siyang scheduled retirement ni Dela Rosa pero pinalawig ng Pang. Duterte ang kaniyang termino bilang pinuno ng PNP.
Una ng sinabi ni Dela Rosa na siya mismo ang nagrekumenda kay Albayalde kay Pang. Duterte.
Inihayag naman ni PNP chief na matagal na niyang alam na ang pinili ng pangulo ay si NCRPO chief PDir. Oscar Albayalde bilang susunod na PNP chief.
Sinabihan siya ng pangulo nuong nasa Cebu sila kung saan pinasinayaan nuon ng Pangulo ang blessing sa isang ospital at saka nagkaroon ng command conference.
” Meron kami kasabihan sa PNP na prinamisan ka na nga gusto mo pa tuparin ko, sa bisaya pa sinasabi ni presidente sinabi ko lang yun maniwala naman kayo. Ha ha parang ganun lang yun,” pahayag ni Dela Rosa.
Kinumpirma ni Dela Rosa na tuloy na sa April 18, 2018 ang turn over of command.
Dahilan sa pagpili ng Pangulo kay Albayalde, ay dahil nakatutok din ito sa war on drugs ng pamahalaan.
Importante kasi na mayroong continuity sa programa at kampanya ng pamahalaan lalo na sa iligal na droga.